Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Xochitl Dixon

Papuri sa Lumikha

Nagulat ako nang makita ko na may mga dilaw na bulaklak na tumubo malapit sa aming bahay. Anim na dilaw na mga bulaklak sa pagitan ng dalawang malalaking bato ang nakita kong namumukadkad. Hindi ko itinanim, diniligan, at inalagaan ang mga ito kaya nagtataka ako kung bakit may tumubong magagandang bulaklak sa aming bakuran.

Si Jesus naman ay nagbigay ng ilustrasyon…

Huwag Mag-alala

Nakatira ako sa lugar kung saan palaging mainit at maaraw kaya hindi ako sanay sa malalamig na lugar. Pero natutuwa akong makakita ng snow sa mga larawan. Nagpadala ang kaibigan ko ng litrato ng snow mula sa kanyang tirahan at natuwa ako rito. Napalitan ng kalungkutan ang kasiyahan ko nang mapansin ko ang mga lagas na puno sa gitna ng makakapal…

Magbigay ng Lubos

Minsan, dumalaw sa amin ang kaibigan ko kasama ang kanyang maliit na anak. Sinabi ng 6 gulang kong anak noon na si Xavier na gusto niyang bigyan ng laruan ang maliit na bata. Natuwa ako sa aking anak. Pero nagulat ako ng ibigay niya ang mamahaling laruan na binili ng kanyang ama para sa kanya. Alam ng kaibigan ko kung gaano…

Laging Handa

Nasa trabaho ang asawa ko nang matanggap ko ang balita na may kanser ang aking ina. Nagtext ako sa asawa ko at sa ilang mga kaibigan. Pero wala sa kanila ang tumugon sa akin. Pakiramdam ko ay nag-iisa ako noon. Umiiyak akong humihingi ng tulong sa Dios. Nang mga sandaling iyon, naramdaman kong kasama ko ang Dios at pinalalakas ang aking…

Tagabura ng Utang

Naluluha ako habang tinitingnan ang mga bayarin ko sa ospital. Matagal pa namang nawalan ng trabaho ang aking asawa. Kaya naman, kulang talaga ang pambayad namin. Nanalangin ako sa Dios bago ako tumawag sa aming doktor. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang aming sitwasyon at makikiusap kung puwede naming mabayaran nang paunti-unti ang aming utang sa ospital.

Makalipas ang ilang sandaling…

Katapatan ng Dios

Noong bisperas ng bagong taon, dumalo ako sa pagtitipon naming sumasampalataya kay Jesus. Habang pinagmamasdan ko ang mga naroon, naalala ko ang pagtugon ng Dios sa mga problemang nararanasan ng bawat isa. Sama-sama kaming nagdalamhati noon dahil sa mga napariwarang anak, mga namatayan, mga nawalan ng trabaho at ang mga nasira ang relasyon. Sa kabila ng mga iyo’y naranasan namin ang…

Ang ating Pag-asa

Isang linggo na lang at magpapasko na. Pero, wala pa rin akong ganang mamili at maglagay ng mga dekorasyon sa aming bahay. Kamamatay pa lang kasi ng aking ina noon. Kahit sinisikap ng asawa ko na pagaanin ang loob ko, hindi ko pa rin magawang maging masaya.

Isang araw, nagkabit ng Christmas lights ang anak ko. Habang kumukuti-kutitap ang mga…

Magtiwala Lagi sa Dios

Naaksidente ako noong 1992. Kaya paminsan-minsan, nakakaramdam ako ng napakatinding kirot sa balikat, leeg at likuran. Hindi madaling magtiwala’t magpuri sa Dios sa mga panahong iyon. Pero gayon pa man, kapag hindi ko na matiis ang napakatinding kirot, laging nariyan ang Dios para palakasin ang loob ko. Ipinapaalala ng Dios na hindi nagbabago ang Kanyang kabutihan at makapang-yarihan Siya. Dahil…

Katapatan ng Dios

Noong hindi pa kami nagtitiwala kay Jesus, binalak naming mag-asawa na maghiwalay. Pero noong magtiwala na kami kay Jesus, sinikap naming panumbalikin ang pagtingin namin sa isa’t isa. Humingi kami ng tulong sa Banal na Espiritu para baguhin kami. Tinuruan kami ng Dios na mahalin at pagtiwalaan Siya maging ang isa’t isa anuman ang mangyari.

Pero kahit malapit na ang ika-25…

Kasalanan

Minsan, may narinig akong pumutok mula sa aming kusina. Dali-dali akong pumunta roon. Naiwan ko pa lang nakabukas ang initan ng kape. Tinanggal ko ito agad sa saksakan at hinawakan ang ilalim nito. Gusto ko kasing tiyakin na hindi na ito gaanong mainit kapag inilapag ko sa mesa. Pagkahawak ko, napaso ang aking mga daliri.

Napapailing na lang ako habang ginagamot…